Teknikal-Bokasyunal
Ang simbolong ito ay nagpapahiwatig na ang maaring ang kagamitan o produkto na mayroon ay nakakalason. Kalimitan natin itong nakikita sa mga kemikal na gamit. Balikan muna natin kung bakit ito ang naisip na simbolo para sa "nakakalason". Sikat ang mga cartoons sa mga bata at isa nga rito ang mga cartoons na pirata. Maaaring maakit at ma-apektuhan ang curiosity ng mga bata kapag nakita ang simbolong ito kaya malalaman na nila kapag ang bagay na iyon ay nakakalason. Ang simbolong ito ay nagsisilbing babala sa mga tao kaya naman ito ay isang uri ng teknikal-bokasyunal na kung saan halimbawa ng babala. Ang babala ay nagsasaad ng impormasyon ng mga dapat at hindi dapat gawin maaaring sa isang lugar. Kadalasang ginagamitan ito ng mga simpleng simbolo, gaya ng simbolong nasa itaas, ngunit ang ilan naman ay pasalita.